Santuwaryo Ng Pag-ibig

Santuwaryo Ng Pag-ibig
Published:
July 1st 2013 by Michael's Shades Of Blue
Author:
Goodreads Rating:
4.68
Pages:
87
Language
Genre:
ISBN10:
9789719571

Perpekto ang buhay ni Tob. Guwapo, anak-mayaman, at may maganda, matalino, at mabait na kasintahan na pinangakuan niyang pakasalan. Ngunit dumating sa kanyang buhay ang isang masakit na biro ng tadhana; isang hindi inaasahang pangyayari.

Ito ay nang hinold-up ang jewelry shop nila – sa panahon pa ng pag-propose niya ng kasal sa kasintahang si Weng. Si Meg ang hold-upper.

Hinostage niya si Tob at dinala sa gubat. Noong una, matinding galit ang naramdaman ni Tob para kay Meg. Ngunit nang sa isang gabing hinostage ni Meg si Tob, may nadiskubre si Tob tungkol sa pagkatao ni Meg na siyang nagpalambot sa sa kanyang puso. Dito nagsimulang gumuho ang magandang pangarap ni Tob para sa sarili. Ito ang naging dahilan upang bumaligtad ang kanyang mundo; iniwan ang karangyaan, kinalimutan ang pangakong pakasalan ang katipan. Ano ang nadiskubre ni Tob tungkol kay Meg? Bakit ipinagpalit niya ang karangyaan at maluhong pamumuhay sa piling ng kanyang pamilya at katipan upang mamuhay na lamang sa gubat? Bakit niya hinayaang mawasak ang kanyang mga pangarap? At si Meg na isang mamamatay-tao, kaya ba niyang suklian ang pagmamahal ng isa ring kauri niya? Ano ang naghihintay na mga pagsubok sa kanilang dalawa sa gitna ng gubat? Ano ang makabagbag-damdaming kuwento ng kanilang buhay? Ano ang lihim na itinago-tago sa likod ng lugar na tinaguriang “Santuwaryo Ng Pag-ibig”?